Thursday, May 31, 2012

torpedo

Nakilala kita noong mga panahong wala pa akong malay sa mundo
yung mga oras na pakiramdam ko'y nag-iisa lang ako
Lingid sa iyong kaalaman ako ay napag bago mo.
Hindi lang sa Iilang bagay, kundi kung sino talaga ako.


Sa tagal ng panahon na tayo ay magkakilala 
Pagkakaibigan natin ay nabalot ng kalungkutan at saya
Samahan pa ng problema na kung minsan ay nawawalan na tayo ng pag asa
ngunit bandang huli tayo pa rin ang magkaramay sa isat-isa


Pero sadya talagang mapaglaro ang tadhana 
Pagtingin ko sa iyo ay nagbago bigla
pagkat ikaw ang laging hinahanap ko tuwina
na aalala mga panahong tayo ay magkasama.


Hindi ko alam kung bakit ako nagka ganito
misip lang kita ay sumasaya na ako,
basta isa lang ang alam ko, 
Ako ay napamahal na sa iyo ng todo


Kaya sa pag sapit ng dilim ikaw lagi ang laman nitong puso't isip
at sa may kapal humihiling na kahit saglit ika'y makapiling sa panaginip 
pagka't ako sa iyo ay naiinip.


Hindi ko alam kung hanggang kailan ko itatago itong aking nararamdaman,
Pagkat ako'y takot sa kahahantungan,
at masira ang ating pagkakaibigan,
kung sakaling sabihin ko ito sa iyo nang harapan.